- - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
               Kung  papaano isinisilang ang isang manunulat,
lalo  na 
ang isang  kuwentistang  tulad ni ERA -- Efren R. Abueg --  ay 
isang libong  kuwento  ng 
kung paano ito 
naimpluwensiyahan  ng  isang kilalang  manunulat, 
mahusay  na  manunulat, 
establisado   na't kinikilala na
ng mga kasamang manunulat, sinusuri na ang mga akda ng  mga kritiko at pinag-aaralan na ang mga
akda  niya  sa  canon
ng komunidad na pang-akademiko. 
Paulit-ulit ang ganitong istorya ng impluwensiya, ngunit kung bakit
walang matanaw na palatandaang ito'y magkakaroon ng katapusan.  Ito kung gayon, ang tradisyon ng
pag-iimpluwensiya,  kaya sa halip na
ito'y maputol,  magpapatuloy ito,  magpahanggang may isang kabataang nagbabasa,  nakikinig 
at nagtatangkang  likhain  sa pamamagitan ng  sariling 
pananaw  ang buhay,  tulad ng pagkalikha ng kanyang modelo ng
buhay sa  sarili naman  nitong 
pananaw.   Kaya't ang  pag-impluwensiya  sa 
isang magiging   manunulat  ay 
isang  proseso  dahil 
sa  bawat   pag-impluwensiya, may naidudulot na
pagbabago sa "paglikha ng 
buhay" at ang pagbabagong ito sa paglikha ng buhay ay
magpapabago  naman sa  mismong 
buhay na ating ginagalawan 
sa  ating  sari-sariling panahon.
               Ngunit  ang pag-iimpluwensiya sa isang manunulat  ay 
parang -------------------------    
Binigkas  bilang huling panayam sa
Panayam  Genoveva  Edroza Matute 
noong  Marso 26, 1992 sa
Ariston  Estrada  Seminar 
Room, Pamantasang De La Salle.tubig na bumukal lamang -- halos hindi
namalayan ang pag-apaw  ng tubig  sa 
lungaw at pag-agos niyon sa kanal hanggang  sa 
maging bahagi  ng  malaking katawan ng tubig sa ilog.  At ang 
lamig  na tubig na iyong
nanggaling sa bukal ay nakapagpalamig sa tiyan 
ng ilog  at  nakaakit 
sa  mga  isdang 
humugos  na  kawan 
mula  sa maalinsangang dagat.
               Ganyan  naimpluwensiyahan ni Genoveva Edroza
(Aling  Bebang) si ERA.  Walang kamalay-malay si Aling Bebang na
siya'y nagsilang ng isang manunulat.  At
wala ring kamalay-malay si ERA na  siya'y
isinilang.   Sampung taon nang manunulat
si ERA  nang  matuklasan niyang  anak siya ni Genoveva Edroza sa
pagsulat.  Magwawakas  na noon 
ang  1965, kasabay naman ng
pagsilang ng  libro  ng 
limang kabataang manunulat, ang "Mga Agos sa Disyerto".
               Isa  na  akong
regular na contributor noon  ng  Liwayway 
at                                
1  premyadong  manunulat ng KADIPAN, Carlos Palanca
Memorial  Awards at  Liwayway.  
Isang  araw, sa harap ng  makinilya, 
bigla  kong naisip na ako nga
pala'y isa nang manunulat.
               Binalikan ko noon ang nakaraang
sampung taon.  Itinanong  ko sa 
aking  sarili kung sino ang Ina ng
Aking  Panulat.   Maraming manunulat  kahit 
sansaglit  lamang  ang 
nagdaan  sa  buhay 
ko.  Kabilang na sina Teodoro
Agoncillo, Pablo N. Bautista, Manuel  J.
Ocampo,  Anacleto I. Dizon, Tomas C.
Ongoco, Hilario L.  Coronel,
Ponciano  B.P. Pineda, Buenaventura S.
Medina, Jr. at kung  sinu-sino  pang 
hindi ko man nakatagpo't nakausap ay nakilala  ko  sa
kani-kanilang mga texto.--------------------
      1Kapisanang  Aklat, Diwa at Panitik - grupo ng mga  makawika at 
manunulat sa antas tersiyarya noong dekada  '50  at
'60.
               Ngunit kung sino ang nagkaroon ng
matinding impluwensiya  sa akin ay hindi
ko agad masagot.
               Ginunita ko ang aming tagapayo ng
peryodikong panghaiskul -- si  Miss  Magdalena 
R.  Tapang -  siya'y 
halos  naging  ina  ko
samantalang nag-aaral ako sa Arellano Public High School.  Ngunit artikulo,  kolum at mga balita ang itinuro niya sa
aking  sulatin ko  hanggang 
sa  maging  news editor 
ako  ng  aming 
pahayagang pampaaralan.  Ginunita
ko rin si Pablo N. Bautista at sinukat 
ko kung  gaano  ang naging epekto sa akin ng  kanyang 
pag-iimbitang sumulat  ako  ng mga kuwentong pang-estudyante sa mga  pahina 
ng Liwayway.  May mga bakas na
malinaw sila sa aking alaala,  ngunit
hindi  sila  sapat 
para  magkaroon ako ng  sigasig 
ng  apoy  na papanday sa aking mga katha.
               Sa  wakas 
ay nagunita ko ang pagpunta namin isang 
araw  ng aking tiya (pinsan ng
aking ina) sa Philippine Education  Company
(PECO) sa Kalye Commandante, Quiapo. 
Pinapili niya ako ng  isang
librong hindi lalampas ang halaga sa limang piso.  Paglibot ko sa bookstore  na 
iyong parang bodega, nakita ko ang 
isang  kopyang hardbound ng
"Ako'y Isang Tinig". 
Koleksiyon iyon ng mga kuwento at 
sanaysay  ng  isang 
nagngangalang  Genoveva  Edroza 
---  at natatandaan  ko 
siya.   Pinag-aralan namin  ang 
kuwento  niyang "Walong Taong
Gulang" sa textbook namin sa Wikang Pambansa -- ang Diwang Kayumanggi ni
Juan C. Laya.  Sumimpatiya ako sa
tauhan  ng kuwentong iyon , kaya kinipit
ko ang libro at pinabayaran ko iyon ng P3.50 sa aking tiya.
               Unang  aklat kong hindi pangtextbook sa Tagalog  ang 
"Ako'y Isang  Tinig".   Ang 
ikalawang aklat ko  naman  ay  ang  "Golden Treasury" ni F.T.
Palgraves.  Noon, mga unang buwan ng
1955,  ang dalawang  aklat 
ko'y may pirmang Efren Reyes 
Abueg.   Iyon  ang unang mga aklat kong pampanitikan.  Ngayon, 1992 ay  nakapaglista na  ako ng 1,500 libro sa aking koleksiyon at may
700  pa 
siguro akong hindi pa naiimbentaryo.
               Binasa  ko lamang ng isang gabi ang "Ako'y
Isang  Tinig"  ni Edroza.  
Naging sensitibo ako sa matimpi, matipid 
at  pakubling pagpapahayag  niya ng damdamin.  Natangay ako ng mga  tahimik 
na drama  sa kanyang mga kuwento
-- hindi ko halos naririnig,  hindi ko
halos nakikita o kaya'y hindi ko naiintindihan ang kanyang mga tauhan.   Ngunit 
ewan  ko  kung 
bakit  matitinding  hampas  
na lumalatay  sa  aking 
kamalayan ang  impresyong  naiiwan 
ng  mga kuwento,  tulad ng isang makapangyarihang lakas na
nagbubukas  sa akin ng isang maluwang,
malawak, na larangan ng buhay.
               Inamin  ko 
noon  sa  aking sarili 
na  hindi  ko 
lubos  na naiintindihan  ang 
mga kuwento ni Edroza. 
Ngunit  nag-iiwan  sa akin ang mga iyon ng iba't ibang larawan,
ng iba't ibang pandama, ng kung anu-anong isipin na hindi ko naman ganap na
maipaliwanag.  Inulit  ko  ang
pagbasa ng kanyang mga kuwento. 
Inulit  ko  nang inulit. 
Hanggang sa dumating na sa aking buhay ang mga kabataang manunulat  na 
sina Ave Perez Jacob, Rogelio 
Sikat,  Edgardo  M. Reyes, 
Dominador  Mirasol, Eduardo
Bautista  Reyes,  at 
Rogelio Ordon~ez.   Sila  ang sinyal na dumating din sa aking  buhay 
sina Ernest  Hemingway  , 
William  Faulkner,  John 
Steinbock,  Henry Miller,  F. Scott Fitzgerald, John Dos Passos,
Sinclair Lewis  at Theodore Dreiser.
               At  mula noon, nakalimutan ko na ang "Ako'y
Isang Tinig"  at si Genoveva Edroza.
               Daraan  pa 
ang  ilang taon bago ko  siya 
makatatagpo  nang personal.   Kung saan, hindi ko na matandaan.  Siya pala'y 
asawa na  ni  Epifanio 
Gar. Matute, isang  kilala  ring 
manunulat  at scriptwriter ng
"Kuwentong Kutsero" ng yumaong Narciso  Pimentel, tanyag  na 
programang satiriko sa radyo na 
bumabatikos  sa  mga kalabisan 
at  kabuktutan  sa 
gobyerno.   Isa  rin 
pala  siyang pangunahing  propesor 
sa  Philippine Normal  College, 
at  isang matatag  na 
tagataguyod ng wikang Pilipino gayong 
nang  tapusin niya  ang kursog Ph.D. in Education sa
University of Santo  Tomas ay ipinasulat
sa kanya sa Ingles ang kanyang dissertation.
               Muling sumariwa sa isip ko ang
impluwensiya ni Aling Bebang.  Nguit
hindi na ako nagkasyang tanggapin lamang ang impluwensiyang iyon.  Ibig kong matiyak kung gaano ang naging bisa
niya sa aking pagsulat.   Noon  ako  nagsimulang mag-clippings  ng 
mga  akdang natipon ko sa loob ng
sampung taon.  Doon ko natuklasan na si
ERA nga pala ay anak ni Genoveva Edroza!
               Binalikan ko ang "Ako'y
Isang Tinig".  Namangha ako sapagkat
ang  antolohiyang iyon ng kanyang
maikling katha ay parang  isang
ebolusyon.  Sabi nga ni Ghiselin: 
               The   creative 
process  is  the 
process  of   change,  
of development,  of  evolution, in the  organization 
of  subjective life. (The
Creative Process: 1952:12).
               May tatlong hati ang maiikling
katha sa "Ako'y Isang Tinig". 
Nilagyan  ng pamagat na
"Dapit-Umaga" ang pitong katha 
sa  unang 
hati.   Ang 
ikalawang  hati  na mayroon 
ding  pitong  katha 
ay pinamagatang "Sa Bawat Pag-asa".  At ang pangatlong hati naman na may   nakapaloob 
na  walong  maiikling 
katha  ay  inuluhan  
ng "Pagkaunawa".
               Napuna ko sa unang hati na ang
mga katha ni Edroza ay pawang pagkilala 
sa  mga  kaligayahan 
at  kapighatian  ng 
buhay;  ang ikalawang  hati ay tungkol sa pakikipagtunggali at
pagkagapi;  at ang  ikatlong hati ay isa namang kalipunan ng
pagkaunawa  sa  mga trahedya 
ng  buhay,  gayundin ang paggawa ng  nga 
paraan  upang maging kasiya-siya
ang eksistensiya ng buhay sa mundong ito.
               Ang  kaayusan 
ng "Ako'y Isang Tinig" ay 
kaasyusan  ng  mga larawan 
ng  buhay mula sa kawalang-malay
hanggang  sa  ganap 
na pagkaunawa.   Ang  kaayusang 
iyon  ay  ipinalagay 
na  tatak  ng disiplina sa sining ni Edroza.
               Sa  kuwentong 
"Kapatid"  naipakita
ni  Edroza  ang 
kanyang disiplina  sa sining.  Ang kapatid, na anak sa labas ng  kanilang tahanan ng kanyang ama, sa simula ay
nakikita lamang sa  guniguni ng  pangunahing 
tauhan ng katha.  Ngunit  habang 
kumakalat  ang usapan  tungkol 
sa  maglalabindalawang taong  kapatid 
niya   ay lumilinaw ang larawang
iyon sa guniguni.  Kasunod ng
paglinaw  ng larawang  iyon sa guniguni ng pangunahing tauhan ang
pagsibol  ng poot  niya 
sa kanyang kapatid sa labas. 
Kasunod naman  ng  poot niyang 
iyon ang pagsupling ng matinding hinanakit niya  sa 
ama.  Isa-isa,   maingat 
na  pinagpatung-patong  ni 
Edroza  ang   mga pangyayari sa katha, isang abstraktong
pagsulong ng kaganapan  sa kuwento,   hanggang 
sa  karurukan  ay 
magkasakit  ang  ama  
ng pangunahing tauhan at ang pagkarinig o pagkaguniguni ng papalapit 
na  mga yabag ng kamatayan ay sinundan ng
papalapit na mga  yabag ng kanyang
kapatid sa labas.  Nang yumao ang kanyang
ama, ang mga papalapit  na  yabag ay nagkaroon ng anyo--nasa harapan  niya 
at dumalaw  sa kanyang ama ang
labindalawang taong gulang  na  bata. 
At  sa  pagmalas 
niya sa anyong iyon  ay  natunghayan 
niya  ang pagkakasala ng kanyang
ama, ang kapiranggot na kaligayahan nitong nalasap sa piling ng ina ng kanyang
kapatid at ang pagsisisi nito dahil 
sa  mga lamig na pumagitan sa  kanilang 
mag-ama.   Walang luhang  pumatak 
o pusong nagdugo sa pagsapit 
ng  pagkaunawa  ng pangunahing  tauhan. 
Nakaramdam lamang siya ng init ng 
agos  ng dugo  ng 
kanyang ama sa kanyang mga ugat, init na 
dapat  nilang pagsaluhan ng
kanyang kapatid sa labas.
               Hinangaan  ko ang kaayusang iyon sa sining ni
Edroza.   Muli kong nilasap ang matipid
niyang pagsisiwalat ng damdaming  naging
sasakyan ng mga pangyayari sa kuwento. 
Halos hindi ko  namalayan ang   ebolusyon  
at   pagsulong  ng 
mga   insidente,   ng  
mga nagtutunggaling damdamin, ng mga kaisipang nagpapahiwatig ng  mga bagong pagkaunawa at pananaw.
               At sa clippings ko natagpuang ako
nga'y naging isang masikap na 
estudyante  sa  pagkatha ni Genoveva Edroza  nang 
lingid  sa kanyang kaalaman.
               Sa  aking 
kuwentong  "Unang
Pagdalaw"  na  nalathala 
noong Nobyembre  25, 1956 sa
panlingguhang magasin ng arawang 
dyaryong "Bagong 
Buhay"  ay tinangka kong
pantayan  ang  pagsisiwalat 
ng damdamin ni Edroza.  Ganito ang
isinulat ko:
               Hindi pa naman nagtatagal nang
huli kaming magkita.   Ngunit sa palagay
ko ba'y marami nang taon ang nakalipas at marami  nang 
pangyayari  ang napadagan sa kanyang gunita.  Ngayong tahimik  na ako at hindi pa nasusundan ang unang
pagdalaw niya sa aking buhay ay  kung
bakit masidhi pa rin ang pagnanais kong siya ay 
makita.  Marahil ay nais kong
malaman kung siya ay maligaya, kung siya 
ay nakatagpo ng isang lalaking hindi magiging katulad ko kailanman.
               Damhin  ang 
damdaming namamaibabaw sa mga 
linyang  ito  ng "Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva
Edroza:
               Hindi  ko na siya nakikita ngayon.  Ngunit 
sinasabi  nilang naroon pa siya sa
dating pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan
sa kanya...
               Lagi  ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay.  Saan man 
may kagandahan:  sa isang tanawin,
sa isang isipan o sa  isang  tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y
lumiligaya.
               Hindi lamang ang himig ng
pagsasalaysay ni Edroza ang  aking naging
huwaran.  Pati ang kanyang mga katha'y
naging sangkot  din sa kuwento kong
"Unang Pagdalaw":
               Isinalaysay ko"
               Ang  una 
naming matagal na pag-uusap ay sinimulan 
niya  sa aking  paboritong 
aklat--ni Edroza. Nabasa ko raw 
ba  ang  "Mga Kalansay"?  Sabi ko, hindi pa naman ako napapasuot
sa  suliraning katulad ng sa pangunahing
tauhan ng kathang iyon.
               Sa isang bahagi pa ng kuwento ko:
               Bumalik na naman siya sa aklat
ni Edroza at napawi sa  aking mukha ang
lambong ng pangungutya nang banggitin niya ang 
kathang "Isang  Araw  sa Kawalang-Hanggan".  Bigla 
akong  nakaramdam  ng pagkalunod sa dagat ng pagtataka.
               Bakit niya binanggit iyon?  Bakit siya masigasig sa pagpaksa sa mga
ipinagbabawal na bahagi ng buhay?
               Gustong-gusto  ko rin siguro ang kanyang kathang  "Puti 
ang Kulay  ng Pananalig".  Tungkol ito sa isang babaing malapit  nang mamatay 
dahil sa isang karamdaman. 
Tinatanong niya ang  kanyang
kaibigang matalik kung talagang uuwi mula sa Maynila ang  kanyang kasintahan.   Nagsinungaling ang kaibigan niyang ito --
hindi  na uuwi  at 
umibig na sa ibang babae ang kasintahan 
nito.   Ngunit kailangan ang
pagsisinungaling na iyon upang yumaong maligaya 
at masaya sa paghihintay ang maysakit.
               Binaligtad  ko 
sa  aking kuwentong  "Paghihintay"  (Aliwan, Enero 15, 1958) ang mga tauhan.  Ginawa kong lalaki ang  maysakit at ang kanyang hinihintay ay ang kasintahan
naman niyang nagtungo sa Maynila. 
Nagsinungaling din ang kaibigan nitong lalaki:
               "Oo,  Ruben.  
Sinabi ko, hinihintay mo siya.  
Sagot  niya: "..darating   ako, 
ako  ang  mag-aalaga 
sa  kanya.    Ako  
ang magpapainom  sa kanya  ng gamot",...at maraming marami pa  siyang sinabi.   Tiyak 
siyang darating...Hindi makalilimot 
sa  iyo  si Delia."
               Sinuri ko rin ang damdamin ng
isang matandang ama sa kathang "At 
ang Gabi ay Lumatag" ni Edroza. 
Naramdaman ko ang hapdi  sa kalooban  ng 
isang amang tumatanggap ng salapi mula 
sa  kanyang anak  na 
"nakikipaglaro"  sa  mga 
lalaki.   Naranasan  ko  
ang kamatayan  ng  kahuli-hulihang  hibla ng 
dignidad  ng  matandang lalaki nang isang gabing iaabot sa
kanya ng anak niyang babae ang ilang salaping papel ay humikbi ito sa kanyang
balikat at  mapait niyang  naunawaan 
ang  pagkapahamak ng  kapurihan 
nito.   Hindi naging  sapat 
para sa akin na ang ama lamang 
ang  makatikim  ng 
ganitong  sakit 
ng  damdamin.  Sinulat 
ko  ang  kuwentong 
"Ang Paghihiwalay" (Aliwan, Setyembre 3, 1958) tungkol sa  mag-asawang matandang  unti-unting nakakaramdam na nagkakaroon na
ng  malalim na  kaugnayan 
ang  kanilang  anak na 
babae  sa  isang 
lalaking nagmamahal.   Isang  araw 
na gabihin ang dalaga  at  umuwing may kasamang  lalaki, naunawaan nilang nalalapit na ang
paglayo  nito sa kanilang tahanan.
               Ang  pamamaraan ni Edroza ng paglalahad na  nakapagpapatindi ng  kutob, bugso at sigwa ng damdamin ang pumasok
sa dugo,  puso, at  isip ng aking panulat at naging kasangkapan
ko  para 
masulat ang   mga  paborito 
kong  kuwentong  "Huling  
Liham",   "Huling
Kundiman",  "Labindalawang  Liham", Ilang Gabi't  Ilang 
Araw  at Saan, Sa Dilim ng
Gabi."
               Ngunit ang kinis ng pananagalog
ni Edroza ay nakumpromiso sa aking 
pagsulat.   Ang  kipil 
na  kipil,  ang 
parang  luad   na pagkakahubog ng sining sa kanyang
lenggwahe ay hindi ko na madala sa 
harap  ng  nagbabagong panlasa ng mga  mambabasa.  
Sa  isang katulad   kong 
nagsusulat  sa  isang 
pampopular   na   magasing kinasasamahan  ng  mga
kuwentong komiks ay  kinailangan  ang 
mga praktikal  na salitang
ngangayunin (contemporary) at mga 
banghay na  simple at intindido ng
mga mambabasa kahit pandayin  iyon  ng manunulat sa kaparaanan ng sariling
sining.  Naging buhaghag  ang mga 
detalye ng aking mga kuwento, naging putul-putol  at 
walang pagpapatuloy  ang pagsulong
ng mga damdamin sa kuwento.   Bumagay
ako  sa 
isang pagsusulat na mapahahalagahan ng kahit  na 
sinong nakapagbabasa  ng  mga 
kathang panlibangan,  ngunit  sa 
ganoong katayuan  ay  naganyak akong mag-eksperimento ng  mga 
paraan  ng pagsulat na hindi
nagpapaiwan sa kalakaran ng sining ng 
panahon.  Ang  ano 
mang  anyo,  estilo at 
napaunlad  kong  paglalahad 
ay isinusubo ko sa kapalaran ng mga taong ang panlasa ay  kadalasang nakabilanggo  sa kagustuhan ng nakararaming mamimili
ng  kanilang magasin.    Ang 
mga  kathang  hindi 
naman  nila  tinanggap  
ay nakakatagpo  ng  lugar 
sa  mga  pahina 
ng  mumunting   magasing pangwika't  pangkultura 
o kaya'y sa mga bukas na pahina 
ng  mga radikal na peryodikong
pampamantasan.
               Kay Edroza ko rin namalisyahan
ang pagkabalisa ng panahon sa mga  tauhan
ng kanyang kathang "Walong Taong Gulang", "Sariwa  pa ang Alaala", "Bangkang
Papel", at ang "Ang Gabi ay Lumatag".  Ang ugong 
at dugo ng pagbabaka sa mga kanayunan ng 
magkakadugo,  ng mga  magkababayan ay siyang puno't dulo ng
"pagkakaiba" sa  kapwa bata ng
tauhang si Leoncio.  Gayundin, ang iglap
na pagkamatay ng isang  panahon ng
kamusmusan ay matutunton sa paglalaban ng 
"mga kawal  at  taong 
bayan" sa "Bangkang 
Papel".   Ang  malupit 
na realidad  na ang mga babae
ngayon ay sakmal ng karalitaan  kaya't
parang   sakripisyong   nakahain  
ang  katawan   sa  
altar   ng materyalismong  lipunan 
ay isang malinaw na larawan sa 
"At  Ang Gabi ay
Lumatag."
               Ang maaga kong Marxistang pananaw
ay imposibleng hinango  ko sa mga aklat
na aking nabasa.  Wala akong pormal na
edukasyon  sa siyensiya ng pulitika,
sosyolohiya, ekonomya, at kultura. 
Maaari pang   nakuha   ko  
iyon   sa  mga  
kilusan   at   kulusan  
sa lipunan---narinig ko ang kamuntik nang pagkakubkob ng mga Huk  sa Kamaynilaan  noong mga unang taon ng dekada '50.  Nababasa ko 
na ang  kabalisahan  ng mga walang lupang nakikipagtunggali  sa  mga
asendero't  kapitalista.   Ngunit 
habilin  pa  iyon 
ng   Lumang Kaayusan  ng  mga
Aria-arian na pinatibay ng mga 
Kastila  at  sa kanilang 
paglisan ay pinalawak pa ang tiwaling pag-iral nito  ng mananakop na mga Amerikano.
               Iisa lamang ang aking
mapagkukunan ng Marxistang pananaw  sa
unang  bugso  ng aking pagsusulat.  Ang mga katha 
ni  Edroza  ay "nagpasilip"  sa akin ng isang lipunang kailangang  mamundok 
ang mga ama ng tahanan upang maitaguyod ang kanilang mga karapatan sa
gitna  ng 
kahirapan.  Tingnan ito sa mga
kathang  "Walong  Taong Gulang",  at "Bangkang Papel".  Sa mga katha namang "At Ang  Gabi ay Lumatag", "Labi" at
"May Buhay sa Paligid" ay kitang-kita 
ang magkakaagwat  na  mga larawan ng babae sa ating  lipunan 
na  ang damdamin  ng  mga
maralita ay binabalewala at ang sa 
mayaman  ay tinatatakan ng mabigat
na halaga.  Marahil, ang mga
pagtistis  at pagbulatlat  sa mga malubhang sakit ng lipunan ng mga
kuwento  sa libro naming "Mga Agos
sa Disyerto" ay nag-ugat sa pagsupling 
ng mapaghimagsik na kamalayan sa mga katha ni Genoveva Edroza.
               Ang isang sanggol na bagong
silang ay itinataas ng doktor  o
komadrona  nang  walang 
saplot,  hubad  na 
hubad.   Ang   isang manunulat  na  nagbabalik
sa kanyang lumipas upang  tuntunin  ang kanyang mga ugat ay tulad din sa isang
sanggol--lantad na lantad, walang 
maikakaila.  Ganyan din si ERA
nang isilang  ni  Genoveva Edroza -- hindi siya makapagkaila,
hindi siya makapagsinungaling.
               Ganito ang sabi ni ERA sa isang
interview ng mga  estudyante mula sa kung
saang unibersidad:
               Iisa  lamang 
ang mangangathang Pilipino 
na  may  matinding kasapian  (influence) sa aking mga kuwento.  Sa 
katotohanan,  sa "Ako'y isang
Tinig" ni Genoveva Edroza ako nagsimulang 
magsulat.  Nagkaroon ng tinig sa
aking isip ang kanyang mga katha, tulad 
ng malakas,  ngunit  payapang tinig ng "Kuwento ni  Mabuti" 
sa  mga pangungusap  na tulad nito: yaon lamang nakararanas ng
mga  lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng lihim na  kaligayahan..  Ang 
makapangyarihan  ngunit payapang
tinig ng kanyang  aklat  ay higit na narinig ng aking damdamin, kaysa
ng aking isip, sapagkat hindi ko pa noon (1954) gaanong naunawaan ang
"Ako'y Isang Tinig" sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon.
               Mapanganib  sa 
isang baguhang manunulat  ang  pagbabasa 
at pagsusulat,  sapagkat  ang 
kuwento  kong  "Ang 
Paghihintay"  ay kabaligtaran
lamang ng paksa ng maikling katha ni Edroza na "Puti ang kulay ng
Pananalig".  Ang banghay, ang paksa,
ang damdamin at istilo ni Edroza ay hindi ko naiwasang gagarin.
               Malayo  na ngayon ang aking mga balangkas, paksa
at  idea ng aking  mga 
katha  --  isang katunayan  ng 
matagal  ko  na 
ring paglalakbay   sa  karagatan 
ng  panitikan.   Ngunit  
sa   aking pagbabalik sa
pinagmulan, naroon at nakatindig ang isang bantayog na aking mababalikan.  Bantayog iyon ng panulat ni Aling  Bebang. 
Sa paanan niyon mapagkumbaba akong mag-aalay ng mabangong  pumpon ng mga bulaklak ng panitikan.
Talasanggunian
Edroza,  Genoveva 
D. Ako'y Isang Tinig. 
Maynila   G.D.  Edroza, 
1952.
Ghiselin,  Brewster. The Creative Process. New
York and  Toronto.  The American Library. 1952
 
The Grand Casino - Casino - Mapyro
TumugonBurahinThe Grand Casino, 김천 출장마사지 located on the left side of 논산 출장마사지 the Grand Casino, is a gaming space 구미 출장샵 with 경산 출장안마 live dealer 원주 출장안마 games including blackjack, roulette,